Una sa lahat hindi ako binayaran upang gawin ang blog na
ito. Ito ay ginawa ko upang iparating ang aking opinyon o sariling panananaw sa
isa sa mga nagamit na produkto.
Sunsilk na siguro ang isa sa mga sikat na shampoo ngayon sa
pilipinas? Agree ba kayo? Ang mga
bata,dalaga at matatanda ay gumagamit neto. Sa syodad maging sa mga probinsya
ay kilala at pangunahing ginagamit ang shampong ito.Ang SUNSILK ay isa sa mga produktong lagi kong ginagagamit
sa araw-araw. Ito ay ginagamit upang bumula, lumambot at bumango ang ating mga
buhok.
Hindi mabubuo ang aking araw kung hindi ako nakakagamit ng sunsilk sa
aking pagligo, Bakit? Kasi pag magulo
ang buhok at ibang brand ng shampoo ang aking gamit hindi ko feel kumilos sa
araw na yon sapagkat ang mood ko ay nakasalalay sa ayos ng aking buhok. Isa sa
mga dahilan kung bakit patuoy kong tinatangkilik ang produktong sunsilk
sapagkat isa ito sa mga binibida ng Idol kong artista na sina kathrene Bernardo
at Sarah Geronimo. Kaya kung ako sainyo gumamit at itry nyo na ang sunsilk
shampoo "para sa mas haba-habango day." 😂
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento